Connect with us

Viral

Buknoy, Shanong, Marvin Fojas at ilang kilalang Influencer sumabak sa PBB Online Auditions

Published

on

Pormal ng inanunsyo ng Pinoy Big Brother ang kanilang pagbabalik para sa pinaka bagong Season.

Sa ASAP Natin ‘To ini-announce nila ang bagong season na tatawaging Pinoy Big Brother Connect.

Ayon sa anunsyo sa kabila ng Pandemic na kinakaharap ng bansa ay nananatiling Connected ang bawat Kapamilya thru Online World.

Kaya naman kasabay ng anunsyo ng kanilang pagbabalik, inanunsyo rin nila ang pinakamalawak na Online Audition para sa nasabing bagong season ng PBB.

Kinakailangang mag post ng higit sa isang minutong video na nagpapakilala ng sarili at sasagutin ang tanong na “Bakit ikaw ang nararapat na mapabilang sa bagong Housemate ni Kuya?”

Sa unang araw pa lang ng pag bubukas ng Online Audition sa Kumu App ay umabot agad sa higit 4,000 ang nag pasa ng kanilang Audition Video.

Sa ikalawang araw ng Audition ay halos nag triple at umabot sa 11,355 Auditionees.

Maging ang ilang kilalang Social Media Influencer ay tinaggap ang hamon ni Kuya upang mapabilang sa bagong Housemate ni Kuya.

Ang kilalang Social Media Influencer na si Buknoy Glamurr ay nag post din ng kanyang Audition Video.

“Naniniwala ako na deserving ako kasi lahat ng tao deserved naman pero mas deserving ako kasi naniniwala ako na dito magpapaka-totoo ako, dito makikilala nila ako ng buo at higit sa lahat mas makikilala nila kung sino talaga ang totoong Buknoy.” Ani ni Buknoy.

Samantala, si Marvin Fojas na sikat sa Tiktok ay nag post rin ng isang nakakatawang video na hinamon nya si Big Brother.

“Last chance mo na ‘to Big Brother, para kunin ako na housemate mo ha, grab mo na yung opportunity. Kunin mo na kasi ako! Luh kukunin lang naman e, papasukin lang naman e para maging artista na ako at yumaman na ako. Papasukin mo na ako dyan! Luh ang damot naman.” Ani ni Marvin.

Patok rin ang Audition Video ni Ychan Laurenz Andrade na bukod sa pagiging Housemate ni Kuya ay ipinakita rin nya ang pagiging magaling sa Hosting.

“Dalawang choices binigay ‘ko sayo, Host or Housemate dalawa lang yan direk. Kunin mo na ako kuya ‘di kana lugi don.” Ani ni Ychan.

Maging ang isa pang Social Media Influencer na si Shan Mavic ay sinubukan rin ang hamon ni Kuya.

“Gusto ‘ko pong maging inspirasyon ng mga bata para sa gusto nilang gawin sa pagiging Social Media Influencer o pag-ba-vlogger o dancer. Bali gusto ‘ko po sanang maging kuya ng mga batang gustong matutong sumayaw at wag mahiyang mag vlog ng sarili nila.”

Gusto mo rin ba mag-audition? I-post ang inyong 1 minute video na pinakikilala ang sarili at sagutin ang tanong na kung bakit karapat dapat kang maging Housemate ni Kuya.

I-post ito sa Kumu App at gamitin ang Hashtag na #PBBKumuAudition, malay mo ikaw na pala ang susunod na magiging Big Winner ng Pinoy Big Brother Connect.

Advertisement
Comments

Viral

Youtube Channel Ni Raffy Tulfo, Possibleng Kumita ng 9.4M sa issue nina Tekla?

Published

on

Sa isang post ng Facebook page na Flex makikita ang larawan ng isang kumento ng isang taga panood sa Youtube Channel ni Raffy Tulfo, tungkol sa possible umanong kinita ng nasabing channel sa mga video tungkol sa issue ni Tekla at ng kanyang kinakasama.

Tingnan sa larawan sa baba ang nasabing computation. ang mga numerong ito ay hindi beripikado at estimated lamang. mula sa isang netizen.

Totoo kaya or possible kaya ang ganitong kalaking kita sa Youtube?

 

Continue Reading

Trending

Copyright © 2020 Elite News Portal